Asintado! Nabull’s eye niya ang puso ko!
Totoo bang kapag di ka makatulog may taong nag-iisip sa’yo? Totoo nga ba yun o hindi? Kasi parang hindi. Kasi kung totoo yun, bakit ang himbing na tulog ng taong iniisip ko. Hainaku! Alam niyo ba?
“Wag mo kasi akong isipin masyado para makatulog ka”
Wow! Ang galing naman niya. Ang galing naman niyang mag-ambisyon. Iniisip ko raw siya?! Text sakin yan ni Mr. Z kanina lang. Haler?! Kung kagabi niya yan tinext tama siya pero hapon niya yan sinend eh…mali siya!
“wow!ambizyuzo ka rin bez noh? bat naman kita iisipin? anu yun? nightmare?”
Yan ang sagot ko sa kanya. Well, nawala na antok ko pagtext niya. Mashock ka ba naman sa sagot niya eh.
“baka lang naman!hehe”
Haianku!Heto na naman ako. Heto na naman siya. Pinapahulog ang loob ko ng di niya halata. Wala siyang kaalam-alam. Hainaku! Bez! Wag mo akong sabihan ng ganyan. Ayokong umasa na naman.
Well…pero okey lang. Di ko na lang papansinin. Eh kasi! Kung may gusto ka sabihin mo nalang. Wag mong idaan sa istoryang nakakagulo ng isipan. Marunong ka ba ng math? Alam mo bang dapat nasa simplest form lahat.? Hainaku! Kailan kaya matatapos itong love story ko? Kailan kaya aamin ang Prince ko? Aisus! As if may aaminin nga siya.
Alam niyo? Kahit anong iwas ko sa ganitong damdamin, di ko pa rin magawa. Dahil di lang puso ko ang umaayaw, kundi pati kaluluwa ko nagbabawal! Sabi nga ng negative mind ko, “sus!iiwas ka? as if magawa mo! di mo kayang wala siya.” Sasagot din positive mind ko,”oo nga! di mo kayang wala siya! stay ka lang! malay mo merong patutunguhan”. Imagine? Nagsasalita ang isip ko?hehe..What i’m trying to express is…
Di natin maiiwasang magmahal. If ever naman na umiwas ka, as if makakaiwas ka forever. We all undergo the process of love. Walang makakaiwas; tamis man yan o pait. Masaktan ka man o hindi, patuloy lang natin mararamdaman ang pag-ibig. Makakita man tayo ng panangga para makaiwas…asintado si kupido, tatamaan ang dapat tatamaan!™
More Love Stories
my love story when i was in high school
si SheEna nag Post ni2 /……
stupid crush part 2
Unexpected Love Story
its hurt to say goodbye
what’s so hard in letting go?
Story of Sarah and Leonel
MY Best Friend (short poem?,quotes?,story?)
Sad Love Stories
Got something to say?